Arestado sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Batangas PNP ang Most Wanted Person sa Regional Level sa Barangay Namunga, Rosario, Batangas nito lamang ika-25 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Major Mickglo D Mariñas, Acting Chief of Police ng Taysan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Rogelio”, 43 taong gulang, residente ng Brarangay Namunga, Rosario, Batangas tubong Barangay Nabannagan East, Lasam, Cagayan at nakalista bilang Regional Most Wanted Person ng Calabarzon.
Sa pagtutulungan ng Taysan Municipal Police Station at RIU4A, PIT Batangas nadakip ang suspek bandang 12:30 ng umaga sa bisa ng Warrant of Arrest sa kaso nitong Murder na walang piyansa.
Patuloy ang ating kapulisan sa pagtugis ng mga Most Wanted Persons upang panagutin ang mga ito sa kanilang kasalanan at mabigyan ng hustisya ang kanilang mga naging biktima.
Source: Taysan PNP
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales