Arestado ang Most Wanted Person sa Regional Level sa ikinasang manhunt operation ng Lipa Component City Police Station, kasama ang 403rd Alpha Maneuver Company RMFB 4A sa Barangay Lod-Lod, Lipa City, Batangas nito lamang ika-8 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rix Supremo Villareal, hepe ng Lipa City Police Station, ang suspek na si “Alex”, 59 taong gulang, isang Barangay utility worker, may-asawa, residente ng Barangay Lodlod, Lipa City na tinaguriang Most Wanted Person sa Most Wanted Person.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kaso nitong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng mas pinalakas na koordinasyon at pakikipag-ugnayan ng mga tauhan ng Lipa City Police Station sa mga miyembro ng Barangay Information Network, na humantong sa napapanahon at tumpak na impormasyon upang madakip ang suspek.
Ang operasyong isinagawa ay alinsunod sa direktiba ni Police Colonel Jacinto Rodriguez Malinao Jr, Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office na patuloy na magsagawa ng pinaigting na manhunt operations laban sa lahat ng taong may sala sa batas.
Source: Lipa PNP
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales