Naaresto ang isang Regional Level Most Wanted Person ng mga tauhan ng Capiz Provincial Mobile Force Company sa Barangay Pawa Panay, Capiz noong ika-12 ng Mayo 2024.
Kasama sa operasyon ang Capiz Police Intelligence Unit Trackers Team, PIDMU, Dao MPS, Panay MPS, PIT Capiz-RIU6, at Capiz Maritime Unit na humantong sa pagkaaresto ng isang 35 anyos na lalaki, nakatala bilang Top 7 Most Wanted Person sa Regional Level, binata at residente ng Sigma, Capiz.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Rape (4 counts) (RPC Art 266-B) at Sexual Abuse (4 Counts) sa ilalim ng Seksyon 5 (B) ng Republic Act 7610 na walang piyansa para sa Qualified Rape at Php200,000 naman ang piyansa para sa kasong Sexual Abuse.
Patuloy ang kapulisan ng Capiz sa pagsasagawa ng mga operasyong nagpapatupad ng katarungan at pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.
Source: Capiz Police Provincial Office
Panulat ni Pat Charmaine Balunsat