Butuan City (January 13, 2022) – Pinangunahan ni Regional Director of the Commission on Elections (COMELEC), Atty. Remlane M. Tambuang at Police Regional Office (PRO) 13 Regional Director, PBGen Romeo M Caramat, Jr. ang pagsagawa ng ocular inspection sa office space na planong okupahin bilang Regional Election Monitoring Action Center (REMAC) sa loob ng headquarters ng PRO13 bilang paghahanda sa nalalapit na pambansa at lokal na halalan sa Mayo 9.
Kasamang sinuri ang kahandaan ng PRO13 REMAC, na kasalukuyang nasa loob ng Regional Tactical Operations Center na pinamamahalaan rin ng mga tauhan ng PNP.
Aktibong tinutugunan ng PRO 13 REMAC ang panawagan ng COMELEC na bantayan ang mga election-related incidents.
Ayon kay General Caramat, sa pamamagitan ng PRO13 REMAC, pananatilihin ng Caraga cops ang kanilang pangako sa paghahatid ng kanilang mandato sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga tao ng isang komunidad na ligtas mula sa anumang banta ng kaguluhan para sa darating na halalan.
Sa pamamagitan ng pagsubaybay at agarang pagtugon naniniwala si PBGen Caramat Jr. na ito ay isang paraan upang maiwasan ang kaharasan sa rehiyon.
#####
Panulat ni Patrolman Almasco John Anthony D., RPCADU 13
Great work Team PNP