Haharap sa patong-patong na kaso ang isang (1) pulis na nakabangga at nakapatay sa dalawang (2) katao, at apat (4) pang sugatang biktima sa probinsya ng Bohol noong Linggo ng gabi ng Disyembre 12, 2021.
Kinilala ang suspek na si Patrolman Ruben Ayuban y Digawan, 31 taong gulang, may asawa, kasalukuyang nakatalaga sa RMFB7, Catagbacan Norte, Loon, Bohol.
Batay sa resulta ng inisyal na imbestigasyon ng Traffic Section ng Tagbilaran City Police Station, walang habas na minamaneho ng suspek ang kanyang sasakyan na Hyudai Eon na may plate number na AAZ 7153. Nasagasaan nito ang dalawang biktima na agad nasawi. Kinilalang sina Lisa Jimenez y Orias at Aileen Apatan y Felisilda sa CPG North Avenue, malapit sa Caltex Station, na kapwa residente ng Sitio Licong, Brgy. Virgen, Anda, Bohol.
Sa kasamaang palad, nakabangga din ang suspek ng isa pang motorsiklo kung saan nakilala ang mga biktima na pawabg sugatan na sina Ella Jean Ongyot Gamban, 23 anyos, binata, residente ng Brgy. Lourdes, Cortes, Bohol at Edwin Lopena Alcoran, 25 anyos, binata, residente ng Brgy. Tinago, Dauis, Bohol.
Pinaharurot ulit ng suspek ang kanyang sasakyan hanggang sa mabangga naman nito ang isa pang tricycle sa CPG North Avenue, malapit sa Unitop General Merchandise na minamaneho ni Aristedez Taghap y Pregurta (tricycle with body #0546), 52 years old, may asawa, residente ng Brgy. Cogon, Tagbilaran City at sakay ang pasaherong si Anthony Gabriel Monterola Villafuerte, 17 taong gulang, at residente ng Peñaflor St., Booy, Tagbilaran City.
Ang mga sugatang biktima ay dinala ng Tarsier 117 sa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital para sa agarang pagpapagamot.
Nirespondehan ng SWAT Team ng Tagbilaran City Police Station ang insidente at matagumpay na naaresto ang suspek na ngayon ay nasa custodial facility ng Tagbilaran City Police Station.
Ayon kay PLtCol Mary Crystal B Peralta, Chief of Police ng Tagbilaran City Police Station, inihahanda na nila ngayon ang mga kasong isasampa laban sa suspek para sa Reckless Imprudence Resulting in Double Homicide, Multiple Physical Injuries at Damage to Properties.
Nagpaabot naman ng kanyang taos-pusong pakikiramay ang Provincial Director ng Bohol PPO na si PCol Osmundo Salibo para sa mga biktima, at tiniyak na mabibigyan sila ng hustisya. Inatasan niya si PLtCol Peralta na tulungan ang lahat ng mga biktima sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa lalong madaling panahon laban sa suspek, at tiniyak sa publiko na haharapin ni Pat Ayuban ang mga kahihinatnan ng kanyang mga aksyon kapwa sa mga kasong kriminal at administratibo.
####
Panulat ni: Patrolwoman Darice Anne Magbutay
Good Job PNP