Isinagawa ang Motorized Anti-Street Crime Operatives (MASCO) – “Pulis de Motor” ng Police Regional Office 10 na ginanap sa Camp Alagar, Cagayan de Oro City noong Marso 12, 2025.
Ayon kay Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, Regional Director ng PRO 10, ang nasabing aktibidad ay naging panauhing pandangal si Land Transportation Office (LTO) Region X Regional Director Nelson S. Manaloto na nilahukan ng 100 PNP personnel mula sa Cagayan de Oro, Iligan, Bukidnon, Misamis Oriental.


Nasa 50 motorsiklo ang ipinagkaloob sa mga pulisya na makakatulong upang mapahusay ang mobility at response capability.
Ide-deploy ang mga unit na ito sa mga strategic locations sa kani-kanilang nasasakupan upang palakasin ang police visibility, mapabilis ang kanilang responde sa mga krimen, riding-in-tandem incidents, robbery, at iba pang criminal activities sa Rehiyon 10.
“Our cooperation and partnership with the PNP is rough and solid. We will provide you with information that you need within the bounds of law. Let us know anything that we can do to make this unit better and be efficient if it’s given to us. We are in this together,” saad ni LTO Region 10 Regional Director Nelson S. Manaloto.
“This program manifests our unwavering commitment to public safety, service, and discipline. Our motorized units must embody the highest standards of professionalism, integrity, and operational readiness, ensuring that our enforcement actions are lawful, strategic, and Effective,” pahayag ni PBGen De Guzman.