Cagayan De Oro City – Muling inilunsad ng Cagayan De Oro City Police Office ang Reactivation ng Kiddie Pulis sa Brgy. 26, Cagayan de Oro City nito lamang Hulyo 18, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Aaron Mandia, City Director ng Cagayan De Oro City Police Office, katuwang ang Deputy Chief Community Affairs and Development Unit na si Police Lieutenant Emilita Simon at Police Captain Ernesto Sanchez, Station Commander ng Cagayan de Oro City Police Office- Station 3 (Agora) at ang iba’t ibang Advocacy Support Groups.
Namigay ng school supplies at meryenda sa 80 na mga kabataan.
Layunin nitong maghatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan upang madama na ang PNP ay may malasakit sa kanilang kapakanan at seguridad.
###
Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10