Pampanga – Masusing ininspeksyon ni Police Brigadier General Jose Santiago Hidalgo Jr, Regional Director ng Police Regional Office 3 ang mga tindahan ng paputok sa Mabalacat City, Pampanga nito lamang Sabado, ika-23 ng Disyembre 2023.

Siniguro ni PBGen Hidalgo na ang mga binebentang paputok ay nakarehistro at may mga permit ang bawat tindahan na nagbebenta.
Paalala ni RD PRO3 sa mga nagbebenta ng paputok na sumunod sa mga safety measures para sa kanilang kaligtasan at ng mga mamimili.

Ito ay paghahanda ng Central Luzon PNP upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.
Source: Police Regional Office 3
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera