Monday, May 12, 2025

RD, PRO CAR agad na bumisita at nag-abot ng tulong pinansyal sa naaksideng pulis sa Tineg, Abra

Agad nagtungo sa Seares Hospital, Zone 4, Bangued, Abra si Police Brigadier General David K Peredo Jr., Regional Director ng Police Regional Office Cordillera, kasama si Police Colonel Froiland B Lopez, Provincial Director ng Abra Police Provincial Office, upang personal na tignan ang kalagayan ng isang kasamahang pulis na naaksidente sa Sitio Bagangao, Barangay Alaoa, Tineg, Abra noong Mayo 8, 2025.

Ayon sa Tineg Municipal Police Station, papunta ang mga pulis sa Sitio Tapayen, Barangay Alaoa, Tineg, Abra gamit ang mobile, subalit nang marating ang isang kurbang parte ng daan ay bumigay ang kinauupuan ni Patrolman Clinton B Olao na siyang dahilan ng kanyang pagkahulog mula sa sasakyan.

Nagtamo ito ng sugat sa ulo at mga gasgas sa kaliwang bahagi ng katawan. Si Pat Olao ay isa sa mga pulis mula Provincial Headquarters na ipinadala sa Tineg upang tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa nasabing lugar.

Nag-abot din ng tulong pinansyal ang butihing Regional Director at Provincial Director para sa pagpapagamot ni Pat Clinton Olao.

Ang presensya ng mga matataas na opisyal ay pagpapakita ng kanilang tunay na malasakit at pag-aalala sa bawat pulis na kanilang nasasakupan, na siya ring nagbibigay inspirasyon sa kanilang mga tauhan na lalong pagbutihin ang kanilang pagganap sa kanilang sinumpaang tungkulin na maglingkod sa publiko anuman ang hamon at banta na kanilang haharapin.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles