Thursday, May 8, 2025

RD Macapaz, personal na binisita ang mga deployed PNP Personnel sa Rehiyon ng Bangsamoro para sa Halalan 2025

Personal na binisita ni Police Brigadier General Romeo J. Macapaz, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) bilang paghahanda sa nalalapit na National and Local Elections sa Mayo 12, 2025 na binisita at inin-speksyon ang iba’t ibang istasyon ng pulisya sa rehiyon.

Sa kanyang pagbisita, binigyang-diin ni PBGen Macapaz, ang mahalagang papel ng PNP sa pagpapanatili ng ligtas, tapat, at maayos na halalan.

Personal na sinuri ang mga pasilidad, tinasa ang mga kagamitang lohistikal, at pinakinggan ang mga hinaing ng mga opisyal na nakatalaga sa mga kritikal na lugar.

“Ang inyong presensya dito ay hindi lamang simpleng deployment—ito ay isang pangako sa demokrasya. Ang mata ng bansa ay nakatuon sa Rehiyong Bangsamoro, at dapat nating ipakita na ang PNP ay nagkakaisa, propesyonal, at walang kinikilingan.”

Tiniyak din ni RD Macapaz, na ang kapakanan ng lahat ng kapulisan sa BARMM ay pangunahing prayoridad ng pamunuan, at may mga mekanismo na nakahanda upang suportahan ang kanilang mga pangangailangan hanggang matapos ang halalan.

Layunin ng pagbisitang ito na tiyakin ang kahandaan ng mga yunit at alamin ang kalagayan ng mga augmented personnel na na-deploy mula sa ibang rehiyon upang magsilbi bilang Special Electoral Boards (SEBs) sa rehiyon.

Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba ng PRO BAR upang tiyakin ang kapayapaan, kaayusan, at kredibilidad ng proseso ng halalan sa Rehiyong Bangsamoro.

Panulat ni Pat Veronica B Laggui

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles