Ibajay, Aklan (February 16, 2022) – Pinangunahan ni Police Lieutenant Matchon Sabado ng 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Rogelio Tomagtang Jr, Force Commander, ang paglunsad ng Pre-Orientation Meeting hinggil sa pagkakaroon ng Organic Agriculture Production NC-II at iba pang mga training na isasagawa sa tulong ng Golden Harvest Farm School sa pangunguna ni Sir Rudy Quitong nitong Pebrero 16, 2022 sa Ibajay, Aklan.
Ang naturang orientation ay alinsunod sa programang Retooled Community Support Program-Counter White Area Operation ng nasabing yunit sa iba’t ibang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas ng nasabing bayan, partikular na sa limang clustered barangay ng Rivera, Cabugao, San Jose, Naile, at Naligusan.
Nasa kabuuang 50 katao ang dumalo mula sa limang barangay na malugod namang sinamahan ng mga Barangay Kapitan, Barangay Councils, Golden Harvest Staff at ng mga tauhan ng 2nd Aklan PMFC.
Ang inaasam na training para sa mga taga Ibajay ay sinuportahan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan lalo na sa mga nangunang partner agencies nito: ang Technical Education and Skills Development Authority Aklan, Department of Trade and Industry, Armed Forces of the Philippines, Department of the Interior and Local Government, Local Government Unit of Ibajay, Ibajay Municipal Police Station at ng iba pang mga stakeholders.
Layunin ng nasabing programa na mas mapabilis pa ang paghatid ng iba’t ibang government services sa mga GIDAS communities at upang matulungan din silang magkaroon ng kaalaman na magamit sa paghahanapbuhay. Bukod pa riyan, mabigyan ng sagot ang mga katanungang patuloy na ginagamit ng mga makakaliwang grupo upang mangumbinse ng kanilang mga kasapi.
###