Balingasag, Misamis Oriental – Timbog ang Top 8 Most Wanted Person (Municipal Level) sa isinagawang manhunt operation ng Balingasag PNP sa kasong Attempted Murder at Murder nito lamang Martes, Mayo 31, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Raniel Valones, Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office, ang suspek na si Junith Malinghuran, 50 at residente ng Sitio Gumpot, Brgy. San Juan, Balingasag, Misamis Oriental.
Ayon kay PCol Valones, dakong 6:40 ng umaga naaresto ang suspek sa Sitio Gumpot, Barangay San Juan, Balingasag, Misamis Oriental ng mga operatiba ng Balingasag Municipal Police Station; 58 Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ayon pa kay PCol Valones, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder na may rekomendadong piyansa na Php120,000 at Murder na walang inirekomendang piyansa.
Dagdag pa ni PCol Valones, narekober sa suspek ang improvised Shotgun at apat na live ammunitions.
Samantala, bukod sa kasong Attempted Murder at Murder ay mahaharap din ang suspek sa kasong RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act.
Ang PNP Misamis Oriental ay paiigtingin pa ang kampanya laban sa kriminalidad at ang pagpupusirgi na mahuli ang mga nagtatago sa batas upang maging mapayapa at tahimik ang komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10