Timbog ng mga otoridad ang Ranked 1 Most Wanted Person sa Provincial Level sa Purok 5, Masablang, Tabuk City, Kalinga noong ika-29 ng Oktubre 2024.
Ayon kay Police Colonel Gilbert Fati-ig, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, matagumpay ang operasyon sa pangunguna ng Provincial Investigation and Detection Management Unit, Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 14, Criminal Investigation and Detection Group Kalinga, Kalinga Provincial Forensic Unit at Regional Intelligence Division, PRO-CAR.
Arestado ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Statutory Rape at Lasciviousness Conduct na may Php400,000 inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad para sa mas mapayapa na Bagong Pilpinas.