Oriental Mindoro – Timbog ang isang Wanted Person sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Pambansang Pulisya sa Barangay Andres Ylagan Naujan, Oriental Mindoro noong ika-6 ng Pebrero 2023
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Nonato Banania Jr., Chief of Police ng Naujan MPS, ang suspek na may alyas na “Jimmy”, residente ng Barangay Andres Ylagan Naujan, Oriental Mindoro.
Ayon kay PLtCol Babania Jr., naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Naujan MPS, 1st Provincial Mobile Force Company, Oriental Mindoro PPO, 404th Battalion Maneuver Company RMFB, CIDG Provincial Forensic Unit Oriental Mindoro sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may inirekomendang piyansa na Php180,000.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus