Oriental Mindoro – Timbog ang Rank 9 Regional Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Baco Municipal Police Station sa Baco, Oriental Mindoro noong ika-21 ng Hulyo 2023.
Kinilala ni Police Captain Ermin Cabanding, Officer-In-Charge ng Baco MPS, ang suspek na may alyas na “Kim”, residente ng Oriental Mindoro.
Ayon kay PCpt Cabanding, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa at sa paglabag sa R.A. 10593 na may Php36,000 na piyansang inirekomenda.
Ang PNP ay hindi titigil sa paglaban sa mga may pagkakasala sa batas at iba pang sangkot sa ilegal na aktibidad para manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus