Daet, Camarines Norte – Arestado ang Rank 8 Municipal Most Wanted Person ng Daet, Camarines Norte sa kasong 4 Counts of Qualified Theft ng Daet PNP sa Cory Aquino Boulevard, Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte nito lamang Oktubre 20, 2022.
Kinilala ni PLtCol Arnel D De Jesus, Chief of Police ng Daet MPS, ang akusado na si alyas “Jong”, 35, binata, isang service crew at residente ng Purok 3, Barangay IV, Daet, Camarines Norte.
Ayon kay PLtCol De Jesus, naaresto ang akusado bandang 6:50 ng gabi sa inilunsad na operasyon ng Daet MPS sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 4 Counts of Qualified Theft na may kaukulang piyansa na Php24,000 sa bawat isa.
Pinuri naman ni PCol Antonio Bilon, Jr., Provincial Director ng Camarines Norte PPO ang masigasig na pakikipag-ugnayan ng kapulisan ng Daet sa komunidad upang makuha ang loob at tiwala ng mga ito na naging daan upang ang mga nagtatago sa batas ay matunton at maaresto at mapagbayaran ang mga pagkakasala sa batas.
“Panatilihin natin ang magandang relasyon sa ating mga nasasakupan upang mapanatili nating mapayapa at tahimik ang ating lalawigan”, dagdag pa nito.
Source: Camarines Norte Police Provincial Office