Arestado ang Rank 7 Municipal Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape matapos maaresto ng mga awtoridad sa Barangay Mazawalo, Palompon, Leyte nito lamang ika-17 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Captain Realthur S Tabernero, Officer-In-Charge ng Palompon PNP, ang suspek na si alyas “Ian”, 21 anyos, at residente ng Barangay Mazawalo, Palompon, Leyte.
Ayon kay PCpt Tabernero, naaresto ang suspek bandang 1:10 ng hapon ng pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Palompon Municipal Police Station at Leyte Police Provincial Office-Provincial Special Operation Group Team 3 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na walang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagtugis sa mga nagkasala at patuloy na nagkakasala sa batas upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at katahimikan sa ating bansa dahil sa Bagong Pilipinas ang gusto ng pulis ligtas ka!.
Panulat ni Pat Maurene A Kiaki