Arestado ang Rank 6 Regional Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station kasama ang Regional Intelligence Unit 4A sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City nito lamang ika-10 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Tetok”, 23 taong gulang, isang pintor, at residente ng Barangay San Juan, Taytay, Rizal.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Robbery with Homicide na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantala namang nakakulong sa Taytay Custodial Facility ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. Samantala, ang kasama nito ay patuloy pa ring pinaghahanap ng batas.
Ang kapulisan ng Rizal ay patuloy sa masigasig nitong operasyon sa pagtugis sa mga kriminal upang tiyak na mapanagot sa batas dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!.