Arestado ang tinaguriang Rank 5 Regional Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Regional Intelligence Unit ng Rizal, Taytay Municipal Police Station Warrant Section at Highway Patrol Group sa Barangay Dalig, Teresa, Rizal nito lamang ika-05 ng Mayo, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si alyas “Dan”, 39 taong gulang at residente ng Barangay San Juan, Taytay, Rizal.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirerekomendang piyansa.
Base sa nakalap na imbestigasyon, ang suspek ay nasasangkot din sa iligal na droga at dawit din sa mga pagpaslang.
Pinuri naman ni PCol Maraggun ang matagumpay na pagkakaaresto ng nasabing suspek na isa lamang sa magandang resulta ng walang kapagurang pagseserbisyo ng ating mga kapulisan para sa mga kababayang Rizaleño.
Panulat ni Pat Pricelle May T Urbano