Arestado ang Rank 4 Regional Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng Mendez Municipal Police Station sa Barangay Galicia 1, Mendez, Cavite nito lamang ika-07 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Major Ian Jasper M Montoya, Acting Chief of Police ng Mendez Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Kulot”, residente ng Mendez, Cavite.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang Cavite PNP sa paghuli ng mga kriminal at pagpapatupad ng batas para sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Source: Cavite PPO
Panulat ni Patrolwoman Pricelle May T Urbano