Arestado ng Batangas PNP ang tinaguriang Rank 4 Most Wanted Person sa rehiyon ng Calabarzon sa Barangay Balintawak, Lipa City, Batangas, nito lamang ika-9 ng Marso 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jason”, 32, at residente ng Barangay Banaba South, Batangas City.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Batangas Component City Police Station laban sa suspek na may kasong paglabag sa Republic Act 10883 o “New Anti-Carnapping Act of 2016” at Estafa na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng Php318,000.
Pinuri naman ni PBGen Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO CALABARZON, ang mga tauhan ng Batangas CCPS sa kanilang natatanging tagumpay sa paghuli sa most wanted fugitive.
Ang makabuluhang tagumpay na ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng maingat na pagpaplano at pagpapatupad ng mga operasyong mahalaga para sa paghuli sa mga high-profile na kriminal, habang binibigyang-diin din ang mahalagang papel ng mga mamamayan, na ang pakikipagtulungan sa pagbabahagi ng impormasyon at mga hakbangin sa kaligtasan ng komunidad ay naging mahalaga,” ani PBGen Lucas.
Source: RPIO 4A
Panulat ni Pat Pricelle May T Urbano