Cavite – Arestado sa isinagawang intelligence-driven operation ng mga tauhan ng Naic Municipal Police Station ang tinaguriang Rank 3 Municipal Most Wanted Person nito lamang Linggo, Enero 28, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Chester Noel Borlongan, Acting Chief of Police ng Naic Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Bernie”, residente ng Brgy. Molino Naic, Cavite.
Naaresto ang suspek sa Brgy. Molino Naic, Cavite sa bisa ng Warant of Arrest sa kasong paglabag sa Article 249 (Homicide) ng Revised Penal Code.
Ang Cavite PNP ay patuloy na isinasagawa at pinapaigting ang manhunt operation laban sa mga taong pinaghahanap ng batas.
Souce: Cavite Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica Teng