Arestado ng Taguig City Police Station ang tinaguriang Rank 2 Most Wanted Person sa Regional Level sa Barangay Western Bicutan, Taguig City nito lamang Miyerkules, Nobyembre 6, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng Southern Police District, na si alyas Joseph, 27 anyos na isang security guard.
Isinilbi sa suspek ang Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ipinahayag ni PBGen Yang ang kanyang pasasalamat at pinuri ang Taguig City Police sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. Binigyang-diin niya na ang matagumpay na pagkakadakip kay alyas “Joseph” ay isang patotoo sa walang humpay na paghahangad ng hustisya ng ating mga alagad ng batas.
Source: SPD PIO