Arestado ang isang lalaki na tinaguriang Rank 2 Most Wanted Person sa Provincial Level sa kasong Statutory Rape sa Barangay Poblacion, Calanasan, Apayao nito lamang ika-15 ng Marso 2025.
Ayon Kay Police Colonel Arnold D Razote, Provincial Director ng Apayao Police Provincial Office, naaresto ang suspek sa isinagawang manhunt operation sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba na pinangunahan ng Calanasan Municipal Police Station, 2nd PMFC, Provincial Intelligence Unit, PIDMU, Apayao PPO; Regional Intelligence Division, PRO CAR; RMFB15 at Regional Intelligence Unit-14 na nagresulta sa agarang pagkakaaresto nito.
Ang nasabing suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang kampanya ng Apayao PNP upang mahuli at mapanagot ang mga taong nagkasala sa batas, at mabigyan ng hustisya ang kanilang mga nabiktima para sa inaasam na mapayapa at maunlad na Bagong Pilipinas.