Tacloban City – Arestado ang isang lalaki na Rank 2 Most Wanted Person (City Level) sa kasong paglabag sa RA 9165 ng Tacloban City PNP noong Linggo, Hunyo 12, 2022.
Kinilala ni Police Captain Concas C Castello, Officer-in-Charge ng Tacloban City Police Station 1 ang naaresto na si Joel Delubio Villamor, 38, may live-in partner, walang trabaho, residente ng Brgy. 86 San Jose, Tacloban City.
Ayon kay PCpt Castello, bandang alas 4:45 ng hapon naaresto ang suspek sa Brgy. 63 Sangkahan, Tacloban City sa bisa ng Warrant of Arrest ng pinagsanib pwersa ng Tacloban City Police Station 1 at Tacloban City – City Intelligence Unit sa pangunguna ni Police Major Laya Lim.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagkakahuli kay Villamor ay resulta ng Intensified Anti-Illegal Drugs operation ng Tacloban City, na ang layunin ay hulihin at panagutin ang mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga.
###
 Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez