Bongao, Tawi-tawi – Nagsagawa ng PNP Community Outreach Program na Ramadan Free Iftar ang Taipan PNP sa mga kapatid na muslim sa Brgy. Sanga-Sanga, Bongao, Tawi-tawi nito lamang Martes, Abril 19, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Marlon Tuliao, Officer-in-Charge ng Taipan 5th Regional Mobile Force Company-BASULTA, Tawi-Tawi.
Ang aktibidad na ito ay kaugnay ng pakikiisa at paggalang sa pagdiriwang ng banal na buwan ng Ramadan.
Ang Philippine National Police ay mas pinapaigting ang ugnayan upang mas mapagtibay ang samahan sa ating mga kapatid na Muslim tungo sa isang mapayapa at maunlad na bansa.
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz