Tuloy-tuloy na umaarangkada ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 3 sa pagbabahagi ng kaalaman patungkol sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 sa mga mag-aaral ng Santiago Elementary School ng Lubao, Pampanga nito lamang Huwebes, ika-7 ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ito ni Police Major Raquel Pagnas, Assistant Chief ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 3 katuwang ang mga butihing guro sa paghahatid ng kaalaman.
Tinatayang 200 aktibong mag-aaral ng Santiago National High School ang nakibahagi sa Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 o RA 9262 Lecture.

Ito ay naglalayong bigyang kaalaman ang mga kabataan sa mga iba’t ibang uri ng pang-aabuso gaya ng Physical Abuse, Sexual Abuse, Psychological Abuse at Economical Abuse.
Sinisiguro ng RPCADU3 ang patuloy sa pagpapalawak ng kaalaman sa mga estudyante patungkol sa ating ipinatutupad na batas sa iba’t ibang bahagi ng Gitnang Luzon.
Source: RPCADU3
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera