Bukidnon – Nagsagawa ng community outreach program ang Revitalized Pulis sa Barangay Valencia City Cluster 2 sa Brgy. Lurugan, Valencia City, Bukidnon nito lamang ika-2 ng Agosto 2023.
Pinangunahan ito ni Police Lieutenant Teddy Bermudo sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Restituto Lacano, Officer-In-Charge ng Bukidnon Police Provincial Office, katuwang ang SK Chairwoman at SK Kagawad kasama ang Binibining at Gng Linggo ng Kabataan.
Sa programa ay nagkaroon ng pamimigay ng foodpacks na naglalaman ng bigas at mga delata at nagkaroon din ng feeding program.
Patuloy ang serbisyong nagkakaisa ng pulisya at ibang grupo upang maipaabot ang serbisyo sa mamamayan na lubos na nangangailangan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10