Pinangunahan ng mga tauhan ng R-PSB Team ng 2nd Palawan PMFC ang dalawang araw na BPATs Training na ginanap sa Barangay Tinitian, Roxas, Palawan nito lamang Linggo ng Pebrero 2025.
Naisakatuparan ang aktibidad katuwang ang mga opisyales ng nasabing barangay. Ito rin ay aktibong nilahukan ng mga Barangay Tanod.
Nakatuon ang nasabing pagsasanay sa pag-aaral patungkol sa Knowing The Enemy, Community Anti-terrorism Awareness, E.O 70 NTF-ELCAC at sinundan ng mga praktikal na pagsasanay patungkol sa Basic Life Support, Handcuffing and Arresting Techniques at Disarming Techniques sa pamamagitan ng paggamit ng Arnis.
Sa pagtatapos ng nasabing pagsasanay ay pinagkalooban ng kapulisan ng tatlong handcuffs ang nasabing barangay upang may magamit sakaling kailanganin ito.
Layunin ng programa na ito na palakasin ang pagtutulungan, partisipasyon at pagtitiwala ng komunidad upang makamit ang tagumpay laban sa krimen, terorismo at insuhensiya.
Source: 2nd Palawan PMFC
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña