Nagsagawa ng Community Outreach Program at Dialogue ang Quirino Provincial Highway Patrol Team (HPT) sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Fernando T Manuel Jr, Provincial Officer na ginanap sa Brgy. Dioryong, Disimungal Nagtipunan, Quirino noong ika-24 ng Oktubre 2022.
Sa isinagawang diyalogo, tinalakay ang tungkol sa iba’t ibang suliranin ng mga motorista hinggil sa human rights at traffic rules and regulations na kung saan madalas magkaroon ng violation ang mga motorista.
Ipinaliwanag ng grupo sa kanila ang tamang gagawin at pagsunod dito at pinag-usapan din ang tungkol sa tamang nutrisyon para sa mga bata.
Ang grupo ng Full Spectrum Riders Association of the Philippines (FSRAP), Advocacy Support Group ng Quirino HPT ay aktibong nakipagtulungan sa pagsasagawa ng feeding program.
Layunin ng aktibidad na palawigin ang kaalaman ng mamamayan hinggil sa batas trapiko na ipinapatupad upang maiwasan ang paglabag at sakuna sa daan.
Source: Quirino Provincial Highway Patrol Team
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos