Magkatuwang ang Quirino PNP at KKDAT Quirino Isabela Chapter sa pagsasagawa ng kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Color Fun Run at Summit 2022 na ginanap sa bayan ng Quirino noong ika-5 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng Community-Based Anti-illegal Drugs Advocacy Day 2022 at paglulunsad ng Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA).
Katuwang din sa naturang aktibidad ang mga LGU Quirino.
Tinatayang nasa 600 ang nakilahok mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at sinundan ng zumba dance at awarding ceremony.
Samantala, sa pangalawang bahagi naman ng programa ay matagumpay na ginanap ang KKDAT Summit 2022 kung saan nagbahagi si Mr. Jerico Jodshua M Kahulugan, Senior Writer at Marketing Director ng The Northern Forum ng kaalaman hinggil sa Youth Leadership.
Tinalakay naman ni PCpl Howard Castro, Senior MCAD ang mga paraan kung paano makakaiwas sa ilegal na paggamit ng droga. Nagbahagi din ng kaalaman at impormasyon si IO II Dennis M Acosta, PDEA, Provincial Office tungkol sa iba’t ibang klase ng ilegal na droga at masamang epekto nito sa tao. Sa huling bahagi ng programa ay isinagawa ang Oath Taking ng mga bagong miyembro ng KKDAT Quirino.
Layunin ng aktibidad na mapaigting ang pagkakaisa ng mga kabataan, kapulisan, simbahan at komunidad sa pagsugpo ng nga ilegal na gawain upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng pamayanan.
Ito ay tugon din sa pagpapanatiling Drug Cleared Municipality ang bayan ng Quirino.
Adhikain pa nito na mapataas ang kamalayan ng komunidad sa baluktot na sistema at mapanlinlang na taktika ng mga komunistang terorista lalo na sa mga kabataan.
Source: Quirino MPS Isabela
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos