Quezon City — Mahigpit na binantayan ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang mga raliyista sa Quezon City nito lamang Mayo 26, 2022.
Sa panayam kay Police Major Wennie Ann Cale, tagapagsalita ng Quezon City Police District, aabot sa 200 katao ang nakiisa sa rally bandang alas diyes bente ng umaga ng araw na iyon. Ang nasabing rally ay isinagawa ng mga grupong Kilusang Mayo Uno, Agham, Selda, Bayan Muna at iba pa bilang protesta sa pagpoproklema kina Bongbong Marcos sa pagka-presidente at Sara Duterte bilang bise presidente ng ating bansa.
Ang mga raliyista ay maaari lamang sila magsagawa ng kanilang protesta sa Liwasang Diokno ngunit tinangka ng mga ito na magmartsa palabas ng freedom park. Dahil dito, pinigilan ng mga tauhan ng QCPD ang mga raliyista upang hindi maharangan ang kalsada at makaabala sa mga motorista.
“Pinagsisipa nila yung mga shields made of plastic. Nagkabasag-basag kaya nasugatan sila,” ayon kay Police Lieutenant Colonel Ritchie Claravall, Station Commander ng Anonas Police Station 9, QCPD. Maging ang mga pulis na mahigpit na nagbabantay sa lugar ay nagtamo din ng mga pasa at mga sugat dahil sa ginawa ng mga raliyista.
Bagamat naging marahas ang grupo ng mga nagpoprotesta, pinairal pa din ng mga pulis ang maximum tolerance sa kanilang hanay upang mapanatili ang peace and order sa kanilang nasasakupan.
Bandang 12:30 PM ng araw din na iyon na nagsimulang mag-siuwian ang mga raliyista.
###