Agusan del Sur – Nagsagawa ng pulong-pulong ang Bayugan PNP sa Park 2B, Brgy. Taglatawan, Bayugan City, Agusan Del Sur nito lamang Sabado, Nobyembre 12, 2022.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Police Staff Sergeant Mashul Nami Jr, Salaam Community Affairs and Development PNCO sa ilalim ng superbisyon ni Police Lieutenant Colonel Shalom Faye Cornelio, Officer-In-Charge ng Bayugan City Police Station katuwang sina Marianito De Chavez na Muslim Community Leaders/IMAM at Community Adviser ng Barangay Anti-Drug Abuse Council.
Tinalakay ang Preventing/Countering Violent Extremism (PCVE) at Illegal Drugs Situational Updates kung saan layunin nito na mas mapalakas ang mga istratehiya upang labanan ang ilegal na droga, terorismo at krimen sa naturang lugar.
Patuloy naman ang pagsuporta ng Salaam Advocacy Group sa PNP lalo na sa KASIMBAYANAN program na naglalayong mapalakas ang ugnayan ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan tungo sa pagkamit ng maayos at mapayapang komunidad.
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13