Tarlac – Nagsagawa ng Pulong-Pulong at Symposium ang Tarlac City PNP sa Brgy. Balingcaway, Tarlac City, Tarlac nito lamang Lunes, ika-16 ng Enero 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Jim Helario, Chief of Police ng Tarlac City Police Station katuwang ang Philippine Army.
Dinaluhan ito ng mga magsasaka na kung saan binigyan ng kaalaman ng mga awtoridad patungkol sa RA 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.
Sinisiguro ng Tarlac City na mas pagtitibayin ang kanilang ugnayan sa mga Tarlakenyo upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng kanilang nasasakupan.
Source: Tarlac City Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU 10