Makati City (January 18, 2022) – Agarang aksyon ang ipinamalas nila Police Executive Master Sergeant Benito Quibuyen, Police Senior Master Sergeant Andy Mejias, Police Corporal Jerome Lazaro, Police Corporal Johnson Velasco at mga Augment Personnel na sina Patrolman Joey Argawanon at Patrolman John Andrew Aserit ng San Isidro Sub Station, Makati City Police Station, sa pamumuno ni Police Captain Arvin Joseph Rosadiño ang isang Ginang na Homeless sa panganganak.
Isang Ginang na Homeless ang tinulungan nilang manganak sa kahabaan ng Osmeña Highway, Barangay Pio Del Pilar, Makati City nitong Martes, ika 18 ng Enero sa ganap na 10:00 ng umaga dahil hindi na nito kakayanin pang makaabot ng panganganak sa ospital.
Lubos na nagpapasalamat ang Ginang sa mga kapulisan ng Makati CPS dahil tinulungan siyang mailuwal ang kanyang anak. Ang pagtulong na ito ay nagpapatunay ng pagiging makatao ng ating kapulisan at handang tumulong sa kahit ano mang oras at lugar ng kanilang nasasakupan.
#####
Panunulat ni Patrolman Ericson Mayor
https://www.facebook.com/mcpsteampcp3/posts/1925226684531680
May puso at malasakit tatak PNP