Leyte – Buong pusong winagayway ng mga tauhan ng Pulis Rehiyon Otso ang kanilang mga watawat bilang paggunita sa ika-125th Araw ng Kasarinlan na may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan” noong ika-12 ng Hunyo 2023.
Ang seremonya ay ginanap sa harap ng tanggapan ng PRO 8, Camp Sec. Ruperto K. Kangleon, Palo, Leyte na pinangunahan ni Police Brigadier General Vincent Calanoga, Regional Director ng Pulis Rehiyon Otso ang pagtataas ng Watawat ng Pilipinas.
Kasama ni PBGen Calanoga sa seremonya sina Police Colonel Salvador Alacyang, Ikalawang Tagapangasiwa ng Operasyon, at si Police Colonel Michael A David, Hepe ng mga Kawani ng Rehiyon.
Buong pusong inawit ng mga kapulisan ang mga awiting Ang Bayan ko, Pilipinas Kong Mahal at Bagong Lipunan bilang pagbibigay pugay sa ating kasarinlan bilang isang bansang malaya.
Kasabay ng pagwagayway ng mga watawat ay ang pagpapalipad din ng mga kalapati bilang tanda ng patuloy na pananaig ng kapayapaan sa Pilipinas.
Source: Police Regional Office 8