Saturday, September 21, 2024

Pulis, patay sa pag-atake ng teroristang NPA sa Sorsogon

Pilar, Sorsogon – Namatay ang isang pulis sa pag-atake ng teroristang NPA sa Brgy. Esperanza, Pilar, Sorsogon noong nakaraang Lunes, Pebrero 28, 2022.

Ayon kay Police Brigadier General Jonnel Estomo, Regional Director ng Police Regional Office 5, bandang 6:54 ng gabi nang inatake ng mga armadong rebeldeng grupo ang kampo ng 504th Maneuver Company na umabot sa labinglimang minutong palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ni Police Corporal Ryan Atos.

Ayon kay Police Brigadier General Estomo, base sa twitter post ni Ka Samuel Guerrero, tagapagsalita ng diumano ng NPA Celso Minguez Command, inako nila na sila ang reponsable sa pag-atake sa naturang istasyon at pagkamatay ni PCpl Atos.

Ipinaabot ni Police Brigadier General Estomo, ang pakikiramay sa pamilya ng nasawing pulis.

Saad pa nya, walang katumbas na salita ang magpapagaan sa saloobin at magpapawi ng pagdadalamhati ng pamilya ng nasawi.

Aniya pa, kinondena ng buong hanay ng PNP Bicol ang nangyari kaya sinisiguro niya ang agarang pagkilos upang mabigyan ng hustisya ang nangyari.

Ang kanyang ipinamalas na kabayanihan, extra ordinaryong serbisyo at pagmamahal sa bayan ay magsisilbing inspirasyon at mabuting alaala sa lahat ng mga Bikolano para ipagpatuloy ang laban para sa pagkamit ng kapayapaan at katahimikan.

Source: RPIO 5

###

Panulat ni PCPL Shiear “Kye” Velasquez-Ignacio

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles