Tuesday, November 26, 2024

Pulis patay matapos pagbabarilin sa Davao del Sur

Davao del Sur – Nasawi ang isang pulis sa naganap na insidente ng pamamaril sa Purok 1, Barangay New Visayas, Matanao, Davao del Sur, noong Martes, Mayo 31, 2022.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Hariz Jhun Adayo, miyembro ng PNP LAGABLAB Class of 2018-01 na kasalukuyang nakatalaga sa Don Marcelino Municipal Police Station, Davao Occidental.

Habang binabaybay umano ng biktima ang nabanggit na lugar sakay ng kanyang motorsiklo nang tambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ito ng maraming beses, at tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungong Hagonoy, Davao del Sur na lulan ng itim na Yamaha NMAX na motorsiklo.

Agad na isinugod sa Davao del Sur Hospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending Physician.

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ang isang PNP 9mm na baril na may kasamang magazine na naglalaman ng labinlimang live ammunition at iba pang personal na gamit.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng insidente.

Samantala, kinondena naman ng PRO 11 sa pamumuno ni Regional Director, PBGen Benjamin Silo Jr. ang pagpatay sa nasabing pulis at sinisigurong mabibigyan ng hustisya ang pamilyang naulila.

Dagdag pa rito, ang buong pamilya ng Police Regional Office 11 ay nagpaabot ng kanilang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Patrolman Adayo.

###

Panulat ni Patrolwoman Rose Ann Delmita

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles