Wednesday, November 27, 2024

Pulis patay, 5 sugatan sa pag-atake ng NPA sa Northern Samar

Tacloban City, Northern Samar Nasawi ang isang pulis at lima ang sugatan kabilang ang dalawang pulis at tatlong sundalo sa pananambang ng komunistang teroristang grupo na New People’s Army sa Brgy. San Miguel, Las Navas, Northern Samar, ngayong araw ng Lunes, Abril 4, 2022.

Kinilala ni Police Brigadier General Bernard Banac, Regional Director ng Police Regional Office 8, ang nasawing pulis na si Patrolman Harvie Cortez Lovino Jr., 30, residente ng San Isidro, Northern Samar at ang mga sugatan naman ay sina Patrolman Rico Borja, Patrolman Leandro Luciano Bulosan, Army Corporal Arvin Papong, Private First Class Whilydell Jic Rodona at Private First Class Wilmer del Monte.

Ayon kay PBGen Banac, bandang 1:00 ng madaling araw ay patungo ang grupo ng pulis at sundalo sa Osang Village sa Catubig, Northern Samar bilang parte ng Community Support Program (CSP) nang sila ay pasabugan ng Improvised Explosive Device (IED) ng teroristang grupong NPA at sinundan naman ito ng palitan ng putok ng baril ng dalawang panig kaya’t agad na tumakas ang mga rebeldeng grupo.

Ayon pa kay PBGen Banac, ang naturang engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng teroristang grupong NPA ay agad na ikinasawi ni Pat Lovino at ang limang sugatan naman ay agad na dinala sa Catarman Doctors Hopistal.

Ang mga kapulisan na biktima ng ambush ay mga miyembro ng 1st Police Mobile Force Company ng Rehiyon 8 na nakatalaga sa bayan ng Catubig at ang mga sundalo naman ay kabilang sa 20th Infantry Battalion na nakatalaga naman sa Las Navas, Northern Samar.

Iniatas ni PBGen Banac nitong Lunes ang all-out pursuit operation laban sa grupo ng mga komunistang rebelde na nasa likod ng ambush.

“I have already directed the conduct of checkpoints in adjacent areas and a check on all nearby hospitals and escape routes as part of the pursuit operations. We condemn this attack and we will surely file cases against those responsible” ani PBGen Banac.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles