Friday, September 20, 2024

Pulis nagpaanak ng isang Ginang sa loob ng patrol car

Matagumpay at ligtas na napaanak ng isang pulis sa loob ng patrol car ang isang ginang sa Villaverde, Nueva Vizcaya nito lamang Biyernes, Mayo 20, 2022.

Ayon kay Patrolman Jardin Paul Galima na nakatalaga sa Villaverde Police Station, Nueva Vizcaya, bandang 6:00 ng umaga nang dumating ang mag-asawa sa kanilang himpilan upang humingi ng tulong at ng masasakyan sa kadahilanang malapit nang manganak ang kanyang asawa at kailangan na itong maisugod sa ospital.

Hindi naman nag-atubili at nag-aksaya ng oras si Patrolman Galima at kaagad na isinakay ang ginang sa patrol car ngunit pagkasakay pa lamang ay hindi na nito kinaya.

Kaagad itong sinaklolohan ni Patrolman Galima na isa palang licensed nurse kayaā€™t siya na mismo ang nagpaanak rito. Mapalad naman na ligtas ang mag-ina matapos ang panganganak.

Matapos mailabas ang sanggol ay dinala nila ang mag-ina sa Villaverde Birthing Clinic para sa kaukulang atensiyong medikal kung saan ngayon ay nasa maayos na ang kalagayan.

Isa lamang ito sa patunay na ang PNP ay walang pinipiling oras sa pagtulong at pagseserbisyo sa publiko at handang maglingkod sa lahat ng bagay. Tunay nga na ang PNP ay kakampi mo.

Source: Villaverde PS

###

Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles