Bukidnon – Nagsagawa ng “Pulis Ko, Titser Ko” Program ang mga tauhan ng Revitalized-Pulis Sa Barangay sa Osmeña Elementary School, Dangcagan, Bukidnon nito lamang Pebrero 15, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Reynante Reyes, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office.
Ito ang pamamaraan ng ating pulisya upang mapahusay ang moral foundation ng mga kabataan.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagbibigay ng malasakit sa ating mga kababayan na may layunin na mailayo ang mga kabataan sa anumang uri ng kriminalidad upang magkaroon ng isang payapa at maayos na komunidad.
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU10