Mayantoc, Tarlac – Nagsagawa ng “Pulis Ko Titser Ko” Program ang Mayantoc PNP sa mga batang Aeta ng Sitio Calao, Barangay San Jose, Mayantoc, Tarlac nito lamang Biyernes, Hunyo 24, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Mark Marvin T Ugale, Officer-in-Charge ng Mayantoc Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Erwin O Sanque, Provincial Director ng Tarlac Police Provincial Office.
Ayon kay PCpt Ugale, tinuruan ang mga katutubong bata kung paano magsulat, magbasa at magbilang.
Tinuruan din sila tungkol sa wastong kalinisan, pagpapahalaga, pagiging makabayan, pagkatakot sa Diyos at pagmamahal sa magulang.
Bilang karagdagan, ipinanood din sa mga bata ang isang pelikula tungkol sa isang pang-edukasyon na maikling kuwento na magbibigay ng aral at moral.
Pagkatapos ng pag-aaral, binigyan din ang mga bata ng meryenda.
Layunin ng aktibidad na bigyan ang mga kabataan ng positibong pananaw sa buhay at batas para sa maayos at tahimik na pamumuhay at mailayo sa mapaglinlang na ideolohiya ng mga teroristang grupo at ilegal na droga na makakasira sa kinabukasan nila.
Source: Tarlac PPO
###
Sa Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera