Bukidnon – Kaalaman ang dala ng mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay sa kanilng isinagawang “Pulis Ko, Titser Ko” sa Purok 1A, Brgy. Lurugan, Valencia City, Bukidnon nito lamang ika-6 ng Oktubre 2023.
Ito ay sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Teddy Bermudo, Team Leader, R-PSB Valencia City Cluster 2 sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Restituto Lacano Jr, Provincial Director, Bukidnon Police Provincial Office.
Labis naman ang kasiyahan ng limang kabataan sa dalang kaalaman ng kapulisan kung saan pinagyabong ang kanilang pagbabasa.
Ito ay bahagi ng programa ng R-PSB sa mas malalim pang ugnayan ng pulisya at kabataan tungo sa isang mapayapa at ligtas na Northern Mindanao.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris