Arestado ang isang aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa Police Regional Office (PRO) 13 at tatlong pribadong indibidwal sa drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Tagoloan Municipal Police Station nito lamang ika-28 ng Mayo 2024 sa Baluarte, Tagoloan, Misamis Oriental.
Kinilala ni Police Colonel Cholijun P Caduyac, Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office, ang naarestong pulis na may ranggong Patrolman, 35 anyos at residente ng Manolo Fortich, Bukidnon habang ang tatlo pang suspek ay mga residente ng Tagoloan, Misamis Oriental.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php13,600, isang 9MM Taurus na may serial number na TMR03104, isang steel magazine, anim na bala, Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money at mga drug paraphernalia.
Samantala mariing kinondena ni PBGen Ricardo G Layug Jr, Regional Director, PRO10, ang lahat ng aktibong miyembro ng PNP ng PRO10 na huwag na huwag gagawa ng anumang ilegal na aktibidad dahil hinding-hindi kukunsintihin o kukunsintihin ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang anumang ilegal na gawain.
Panulat ni Pat Reena Celestine E Sendrijas