Maco, Davao De Oro (January 18, 2022) – Matagumpay na naitayo ang carwash vendo sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Cluster 14 sa pamumuno ni PLt Jandy Lou Esteban at mga miyembro ng People’s Organization na binuo nito sa Brgy. Sangab, Maco, Davao De Oro, noong Enero 18, 2022.
Sa tulong at suporta ng kanilang mga stakeholders at ng lokal na pamahalaan, ang SAMODA (Sangab Motorcycle Driver’s Association) Livelihood Project-Carwash Vendo ay nabuo para sa layuning magkaroon ng sustainable income ang bawat miyembro nito na hindi lamang sasapat para sa organisasyon kundi makatutulong din sa pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.
Malaki ang naging pasasalamat ng mga residente sa nasabing lugar na nabigyan ng tulong ng R-PSB 14 at sa patuloy na paggabay at pamamahagi ng iba’t ibang proyekto sa kanilang nasasakupan. Ito ay kanilang pangangalagaan at pagyayamanin para sa kanilang karagdagang kabuhayan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann M Delmita
Tunay n malasakit.. Tatak PNP