Nakilahok ang Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) sa 2024 International Coastal Cleanup na pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa na ginanap sa City Bay Walk, Barangay San Isidro, Puerto Princesa, Palawan nito lamang ika-21 ng Setyembre 2024.
Kasama sa nakiisa sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang Department of Education, Bureau of Corrections, Philippine Air Force, Philippine Coast Guard, Philippine Marines, Philippine Navy, at ilang Non-Government Organization.
Ang aktibidad ay nakatuon sa pag-alis ng mga nakakalasong basura sa kahabaan ng baybayin. Tampok sa kaganapan ang paghagis ng mud ball sa dagat. Ang paghahagis ng mud ball ay nakakatulong na matiyak na ang marine life ay mailayo sa panganib ng mga lason dulot ng mga basura sa karagatan.
Ang eco-friendly na aktibidad na ito ay tunay na kapaki-pakinabang hindi lamang sa tubig mismo kundi pati na rin sa iba’t ibang uri ng hayop na naninirahan sa dagat.
Ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga organisasyong pangkomunidad ay binibigyang-diin ang malaking responsibilidad sa pagprotekta sa ating kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.
Source: Puerto Princesa City Police Office