Isabela – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang PSOCC RTC2 Batch 2023-01 sa ilalim ng pamumuno ni PCol Richard Aquitania, Chief, RTC 2, sa Barangay Sta. Cruz at San Francisco sa bayan ng San Manuel, Isabela nito lamang Mayo 29-31, 2023.
Ang grupo ng mga estudyanteng kapulisan ay nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad na kapaki-pakinabang sa komunidad kagaya ng libreng gupit, Tree Planting Activity, Clean-up Drive at pamamahagi ng food packs na masaya at aktibong nilahukan ng mga residente ng mga nasabing Barangay.
Nagkaroon din ng mga aktibidad na pang seguridad sa pamamagitan ng pagsasanay sa tamang pagtala ng Blotter, pag-aresto at handcuffing technique na dinaluhan ng mga BPATs na syang katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kaayusan sa Barangay.
Ang aktibidad ay bahagi ng Enhanced Community Immersion Program (ECIP) kung saan ang mga estudyanteng Pulis ay nakisalamuha sa pamayanan para sa layuning magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ang kapulisan at mamamayan para sa mas maayos, mapayapa at progresibong lipunan.