Aktibong lumahok ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 2 sa ikalawang araw ng kauna-unahang Public Safety Fair na may temang “Kabataan Tara na, sa Crime Prevention Kaisa ka!” bilang paggunita sa ika-30 National Crime Prevention Week na ginanap sa Robinson’s Place, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Biyernes, ika-6 ng Setyembre 2024.
Ito ay pinangunahan ni PLtCol Virgilio Vi-Con M Abellera Jr, Acting Force Commander ng RMFB 2 katuwang ang iba pang kapulisan.
Sa nasabing aktibidad ay ipinakita ng RMFB 2 ang kanilang mga pangunahing serbisyo at kakayahan sa mga estudyanteng kalahok mula sa iba’t ibang pribado at pampublikong kolehiyo sa Tuguegarao City.
Kaugnay nito, nagbahagi ng kaalaman si PCpt Christopher B Dawan, Deputy Chief ng Community Affairs Section, kung paano labanan ang mga karahasan at mapanlinlang na ideolohiya ng mga makakaliwang grupo.
Ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na magsuot ng uniporme ng pulis ay nagpapalaganap ng respeto, disiplina, at naghihikayat ng tiwala at kooperasyon sa pagitan ng komunidad at kapulisan, habang isinasabuhay ang responsibilidad at tungkulin sa bayan ng mga estudyante tungo sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: RMFB 2