Albay – Patuloy ang pagsasagawa ng Psychosocial Intervention Activity ng mga tauhan ng Police Regional Office 5 sa mga Bakwit na apektado ng pag- aalburuto ng Bulkang Mayon sa Barangay Tumpa Evacuation Center, Camalig, Albay nito lamang Hunyo 22, 2023.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Psychosocial Intervention Team (PSIT) na binubuo ng mga tauhan ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD), PRO5 Lady Ambassadress at PRO5 Band katuwang ang mga tauhan ng Camalig MPS, Regional Community Affairs and Development Unit 5 (RPCADU5) sa pakikipagtulungan ng DZRH Operation Tulong, Cong. Jose Teves Jr. ng TGP Party list, SM City Legazpi at LGU- Albay.
Naging tampok sa aktibidad ang paghahatid ng saya ng mga kapulisan sa pamamagitan ng tugtugan, sayawan at mga palaro na lubos naman na ikinagalak ng mga bakwit.
Nagkaroon din ng Feeding Program para sa lahat ng naroroon sa nasabing evacuation center.
Labis naman ang pasasalamat ng mga evacuees dahil sa ibinahagi sa kanila ng nasabing mga grupo.
Ang PNP Bicol ay patuloy sa pagsasagawa ng ganitong mga aktibidad upang magbigay ng saya, ngiti at pag-asa sa mga bakwit para kahit papano ay maibsan ang kanilang mga problema, kalungkutan at alalahanin dulot ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.