Cagayan de Oro City – Isinagawa ng Regional Medical and Dental Unit 10 ang Psycho-Social Support Services para sa 393 na miyembro ng PNP – Drug Enforcement Unit na ginanap sa New Grandstand, Camp Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-14 ng Pebrero 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Iris Lynn Almonical, Officer-In-Charge ng Neuro Psychiatrist Section kasama si Police Corporal Jherson Cadavez at Patrolman Roel Pacturan Jr. sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Maria Imelda Serrano, Chief, RMDU 10.
Sa nasabing aktibidad ay 393 na miyembro ng PNP – Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office 10 ang nabigyan ng Psycho-Social Support Services sa pamamagitan ng Lecture sa programang PNP Mental Health Program o “Bantay Kaisipan”.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaisipan o sikolohikal ng 393 na miyembro ng PNP – Drug Enforcement Unit ng PRO 10 para mas lalong mapaghusay ang kanilang tungkulin na labanan ang ilegal na droga para mapanatili ang maayos at payapa na magdadala sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Rehiyon 10.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10